^

Probinsiya

9-anyos kinatay ng adik na pedophile

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawampung saksak sa dibdib ang kumitil sa buhay ng 9-anyos na totoy matapos itong tumangging makipag-sex sa isang adik na pedophile na sinasabing apo ng dating gobernador noong Biyernes sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental.

Sa ulat ng Cagayan de Oro City PNP na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Cairistian “CJ” Balquin, anak ng kapitbahay ng suspek sa Brgy. Nazareth sa nasabing lungsod.

Naaresto naman ang suspek na si Alfonso Dy Da­dole III, 46, sinasabing apo ng namayapang si da­ting Misamis Oriental Gov. Alfonso Dadole.

Napuruhan sa dibdib ang biktima mula sa dalawang patalim, isa rito ay bumaluktok pa na ginamit ng suspek sa krimen.

Base sa police report, dalawang kutsilyo ang ginamit ng suspek para patayin ang bata na nasaksihan ng nakababata nitong kapatid na lalaki na humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Sa imbestigasyon, pasado alas-9  ng umaga habang naglalaro ang magkapatid nang tawagin ng suspek si CJ kung saan pinipilit itong makipag-sex sa kaniya.

Gayon pa man, tumanggi ang bata kaya pinagsasampal saka pinagsasaksak ng suspek.

Nakita naman ng na­kaba­batang kapatid ng biktima ang pananaksak ng suspek sa sumisigaw nitong kuya kaya umiiyak itong napatakbo at humingi ng saklolo sa mga kapitbahay.

Mabilis na rumesponde ang mga opisyal ng barangay kasama ang ilang kapitbahay pero patay na ang bata sa loob ng kuwarto ng suspek.

Sa presinto, inamin ng suspek na lulong siya sa bawal na droga kaya hindi niya alam ang naganap na krimen na hindi niya sinasadya.

vuukle comment

ACIRC

ALFONSO DADOLE

ALFONSO DY DA

ANG

BALQUIN

BIYERNES

CAMP CRAME

MISAMIS ORIENTAL

MISAMIS ORIENTAL GOV

ORO CITY

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with