^

Probinsiya

Mag-ina pinatay, itinapon sa septic tank

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ina matapos pagtulungang saksakin ay itinapon pa sa loob ng septic tank ng kanilang bahay ng tatlong karpintero sa Deca Homes Phase 2, Barangay Tungkil sa bayan ng Minglanilla, Cebu, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay P/Chief Insp. Richard Gadingan, bandang alas-9 ng umaga kahapon, natagpuan lumulutang sa loob ng septic tank ang bangkay ni Virginia Sharpe, 37.

Natagpuan din ang bangkay ng kanyang 11-anyos na anak na si Mica Ella na nakalagay sa sako kung saan naka-school uniform pa ito.

Nasakote naman ang tatlong karpintero na guma­gawa sa bahay ng mag-ina kung saan ang mister ni Virginia ay banyaga na nasa London.

Narekober ang ilang gamit ng mag-ina sa tatlong suspek na pansamantalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan habang iniimbestigahan.

Nadiskubre ang krimen matapos umalingasaw ang masangsang na amoy mula sa bahay ng ma-ina kaya inusisa ng mga kapitbahay.

Pinaniniwalaang noong nakalipas na linggo pinatay ang mag-ina dahil hindi na nakita ang dalawa simula pa noong Lunes. Isinalin sa Tagalog ng patnugot

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BARANGAY TUNGKIL

CEBU

CHIEF INSP

DECA HOMES PHASE

ISINALIN

MICA ELLA

RICHARD GADINGAN

VIRGINIA SHARPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with