Biyudang trader dedo sa tandem
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinabulagta ang 33-anyos na biyudang negosyante matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen kamakalawa ng umaga sa Sitio Palapag, Barangay Rizal West District sa Sorsogon City, Sorsogon. Hindi na umabot ng buhay sa Sorsogon Medical Mission Group Hospital ang biktimang si Mylene Cendena ng 7th Street Our Lady’s Village sa Barangay Pangpang. Sa police report na isinumite sa Camp Simeon Ola, naganap ang krimen habang ipinaparada ng biktima ang pag-aaring SUV (AAQ 4470) sa gilid ng kalsada kung saan maniningil ito ng kanyang mga pautang. Sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong may kinalaman sa negosyo ng biktima ang naganap na pamamaril.
- Latest





















