^

Probinsiya

Kotse sumalpok sa puno: Pari patay!

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Patay ang isang 53-anyos na pari matapos na sumalpok ang sinasakyan nitong kotse sa isang puno ng narra sa Barangay Gi­ngaroy, Tigaon, Camarines Sur, kamakalawa.

Hindi na umabot pang buhay sa Tigaon Primary Hospital ang biktima na si Rev. Fr. Juancho Abelligos, 53, binata at residente ng San Isidro St. Tinambac, Camarines Sur.

Ayon sa ulat, alas 2:45 ng madaling-araw habang ang biktimang pari ay sakay ng minamanehong sasakyan (AXA-3414) nang mawalan ng kontrol sa manibela at mabilis na bumangga sa isang puno ng narra na nasa tabi ng kalsada.

Sa lakas ng impak, tumilapon palabas ng kotse ang pari at nawasak ang sasakyan nito.

Patungo sa bayan ng Ocampo, Camarines Sur ang paring biktima kung saan siya nakatalaga bilang pari nang maganap ang insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BARANGAY GI

CAMARINES SUR

JUANCHO ABELLIGOS

LEGAZPI

OCAMPO

PATAY

PATUNGO

SAN ISIDRO ST. TINAMBAC

TIGAON PRIMARY HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with