^

Probinsiya

Misis minartilyo ni mister, dedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 29-anyos na misis matapos itong martilyuhin sa ulo ng sari­ling mister saka  hinostage ang dalawa nilang anak na lalaki sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Carles, Iloilo kamakalawa ng madaling araw.

Nabasag ang bao ng ulo ng biktimang si Leslie Jalandoni habang nasakote naman ang suspek na si Ronelo Jalandoni, 34, mga nakatira sa Barangay Bangkal sa nabanggit na bayan.

Base sa police report na isinumite sa Camp Crame, sinabi ng suspek na nakarinig siya ng tinig na i-hostage ang mag-iina at martilyuhin ang sariling asawa.

Sugatan naman ang dalawang anak ng mag-asawa pero hindi naman malubha.

Nadiskubre ang naganap na hostage drama matapos na tumawag ang mga kapitbahay sa himpilan ng pulisya kung saan rumesponde ang mga awtoridad para beripikahin pero itinanggi ito ng suspek.

Gayon pa man nang silipin ng pulisya sa butas sa dingding ng bahay ay namataang nakahandusay ang duguang biktima habang tinututukan ng suspek ng pana ang dalawang anak na lalaki nito.

Mabilis na kumilos ang pulisya sa tulong ng mga kamag-anak ay pinasok ang bahay ng mag-asawa kaya naaresto ang suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY BANGKAL

CAMP CRAME

GAYON

ILOILO

LESLIE JALANDONI

MABILIS

NABASAG

NADISKUBRE

RONELO JALANDONI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with