^

Probinsiya

‘Killer’ng CNN cameraman natimbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region IV A ang isa sa mga pinaghihinalaang sangkot sa pagpatay sa cameraman ng CNN Philippines na si Jonathan Oldan sa isinagawang follow-up operation ng pulisya sa Imus City, Cavite kamakalawa.

Sa ulat na tinanggap ni PNP-CIDG Chief P/Director Benjamin Magalong, ang suspek na si Edgar Angelo Labi ay nasakote sa Chesapeake Subdivision, BNT ng lungsod.

Nakumpiska mula kay Labi ang isang cal. 40 pistol na hinihinalang ginamit nito sa pagpatay sa biktimang si Oldan at may 50 bala.

Ang pagkakasakote sa suspek ay bunsod sa pi­nala­kas na “Oplan Lambat Sibat” ng PNP laban sa mga most wanted criminals.

Magugunita na pinagbabaril si Oldan, 30, ng hindi pa nakilalang mga armadong suspek noong Hunyo 25, 2015  sa may Bukaneg Street, Brgy. Pinagbuklod, Imus City, Cavite. Siya ay nagtamo ng pitong tama ng bala sa katawan. 

Si Oldan, nakatalaga sa Department of Justice at Supreme Court  ay ang ikatlong mamamahayag na pinaslang ngayong taon.

Nahaharap naman si Labi sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

ACIRC

BUKANEG STREET

CAVITE

CHESAPEAKE SUBDIVISION

CHIEF P

COMPREHENSIVE FIREARMS AND AMMUNITION REGULATION ACT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

EDGAR ANGELO LABI

IMUS CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with