9-anyos inutas dahil sa kakulitan
MANILA, Philippines - Dahil lamang sa kakulitan ay napatay ang 9-anyos na totoy matapos itong saksakin sa dibdib ng isang lending collector sa Purok 5, Barangay Laligan sa Valencia City, Bukidnon kamakalawa. Nagawa pang maisugod sa Adventist Medical Center pero idineklarang patay si Christian Dave Carmen, Grade IV sa Laligan Elementary School habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Ian Tolin, 25, may-asawa, collector ng Ramirez Lending Finance Services at residente sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ng Bukidnon PNP na isinumite sa Camp Crame bandang alas- 7:10 ng gabi nang kulitin ng biktima ang suspek subalit napikon ito. Nairita ang suspek sa sobrang kakulitan ng biktima habang sinasaway ito sa pagbibiro kaya tinarakan ito ng saksak sa dibdib.
- Latest