^

Probinsiya

2 suspek sa dalagang sinunog, tugis

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Philippines  – Ikinasa ng mga operatiba ng pulisya ang malawakang pagtugis sa pangunahing suspek sa pagpatay at pagsunog sa 23-anyos na dalaga kung saan natagpuan ang bangkay nito sa dike sa bahagi ng Sto. Tomas River sa bayan ng San Felipe, Zambales noong Sabado ng umaga.

Bandang alas-6 ng uma­ga nang matagpuan ang sunog na katawan ni Karie Ces “Aika” Mojica ng Barangay Sta. Rita sa nasabing lungsod at kawani sa isang supermarket.

Samantala, pinaghaha­nap naman ang panguna­hing suspek na si Jonathan Dewayne Ciocon Viane, 29,  Fil-American, at nakatira sa Wawandue, Subic; at isa pang hindi kilalang lalaki.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, huling namataang buhay ang biktima habang kausap ang suspek sa gasolinahan noong Biyernes.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay iginapos at ilang bahagi ng katawan nito ay sinunog habang narekober naman sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.

Nabatid din na dumalo sa birthday party ng kanyang kaibigan ang biktima kung saan hindi na nakauwi.

Wala naman palatandaang hinalay ang biktima habang isinumite na ng pulisya sa Zambales pro­secutor’s office ang kasong murder laban sa mga suspek.

vuukle comment

ACIRC

AIKA

ANG

AYON

BANDANG

BARANGAY STA

JONATHAN DEWAYNE CIOCON VIANE

KARIE CES

SAN FELIPE

TOMAS RIVER

ZAMBALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with