^

Probinsiya

Beauty contestant dedo sa overdose ng ‘slim pills’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masaklap na kamatayan ang sinapit ng 19-anyos na 1st runner-up sa Miss Saulog sa Zamboanga del Norte na sinasabing namalagi ng isang linggo sa ospital matapos itong ma-overdose ng slimming pills noong Bi­yernes.

Si Mary Antoniette P. Acedo ay isinugod sa Zamboanga del Norte Medical Center matapos magreklamong sumakit ang tiyan at magsuka.

Lumabas sa pagsusuri ng mga doctor na si Acedo na tumitimbang ng 40 kilos ay umiinom ng apat na slimming pills sa loob ng isang araw.

Una ng nagreklamo sa kanyang doctor si Acedo na kalimitang sumasakit ang kanyang tiyan sa pag-aakalang may amoebiasis pero inilihim nito ang paggamit ng nasabing pills.

Sinasabing sa online nabili ng biktima ang slimming pills na pinaniniwalaang hindi aprobado ng FDA, ayon sa ina ni Acedo na si Mary Jane.

Napag-alamang si Acedo na dumanas ng pagdurugo habang nagpapakuha ng lit­rato para sa Miss Dapitan contest ay isinugod sa ospital.

Sa pahayag ni Apple Agolong, tourism officer sa Dapitan City, si Acedo na naging 1st runner-up sa Miss Saulog sa Zamboanga del Norte ay lumahok  sa Miss Dapitan beauty contest kung saan naka-schedule ang coronation night kahapon (Hulyo 23) kasabay ng Kinabayo Festival.

Ayon sa mga doctor ng Dipolog Medical Center, ang ilang internal organ ni Acedo partikular na ang atay ay bumigay matapos ma-overdose ng slimming pills habang narekober naman sa silid ni Acedo ang botelya ng nasa­bing slimming pills. Isinalin sa Tagalog ng patnugot

 

vuukle comment

ACEDO

ACIRC

ANG

APPLE AGOLONG

DAPITAN CITY

DIPOLOG MEDICAL CENTER

KINABAYO FESTIVAL

MARY JANE

MISS DAPITAN

MISS SAULOG

ZAMBOANGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with