Trader nalunod
MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang outing ng pamilya ng isang 54 anyos na negosyante makaraan itong aksidenteng malunod sa karagatan ng Marcos Island-Underwater Cave sa Hundred Islands National Parak sa Brgy. Lucap, Alaminos City, Pangasinan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Aquilino Amistaso, residente ng Lot 13, Dreamland Subdivision, Taguig City. Sa ulat ng Pangasinan Police, naganap ang trahedya dakong alas-3 ng hapon matapos na lumundag sa tubig ang biktima na nabagsakan naman sa ulo ng isang lumundag ring dayuhan. Sa imbestigasyon, nagtungo ang pamilya at kaibigan ng negosyante sa lugar kaugnay ng mahabang bakasyon sa Semana Santa nang mauwi sa malagim na insidente ang outing ng mga ito. (Raymund Catindig)
- Latest
- Trending














