^

Probinsiya

Army corporal dedo sa ambush

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines  – Napaslang ang 40-anyos na corporal ng Phillipine Army na sinasabing may nakabinbing kasong kriminal matapos itong tambangan ng motorcycle-riding assassins sa kahabaan ng highway sa Barangay Macapilapil, bayan ng San Ildeponso, Bulacan kahapon.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril ang biktimang si Corporal Dante Bugarin, tubong Panga­sinan at nakatalaga sa 7th Infantry Division sa Camp Ramon Magsaysay, Palayan City sa Nueva Ecija.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagmomotorsiklo ang biktima sa kahabaan ng highway nang sundan at pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen bandang alas-2:30 ng hapon.

Ayon kay P/Supt. Angel Garcillano, hepe ng San Ildefonso PNP,  si Bugarin ay sinasabing may nakabin­bing kaso kaugnay sa nakawan sa piggery farm sa Tarlac noong Pebrero 2015.

May teorya ang mga im­bestigador ng pulisya na pinatahimik  ng mga kasabwat sa kasong robbery ang biktima.

Narekober sa crime scene ang walong basyo ng bala ng cal.45 pistol at cal. 9mm pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

vuukle comment

ANGEL GARCILLANO

BARANGAY MACAPILAPIL

CAMP RAMON MAGSAYSAY

CORPORAL DANTE BUGARIN

INFANTRY DIVISION

NUEVA ECIJA

PALAYAN CITY

PHILLIPINE ARMY

SAN ILDEFONSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with