^

Probinsiya

15-anyos high school student, nagbaril sa ulo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Patay ang isang 15-anyos na high school student matapos na umano’y magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo   kamakalawa ng gabi sa Brgy. 5 Poblacion Amadeo, lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Orlie Bataclan, estudyante ng Pangil National High School Amadeo, Cavite.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Oliver Salazar, nagtungo umano sa kanilang himpilan ang mga magulang at kamag anak ng biktima at nag-report hinggil sa di umano’y ginawang pagbaril sa sarili ng estudyante.

Alas-7:00 umano ng gabi nang maganap ang insidente, pumasok umano sa  loob ng kuwarto ng kanyang mga magulang ang biktima at nag-lock ng pinto. Nabatid na lasing umano ang biktima nang umuwi sa kanilang bahay.

Minuto lamang umano nang makarinig sila mula sa loob ng kuwarto ng ma­lakas na putok ng baril. Dito umano nila pilit binuksan ang nakasara na pinto at bumulaga sa kanila ang duguang katawan ng biktima at may  tama ng bala sa ulo.

Agad umano nila itong dinala sa pagamutan, su­balit kinabukasan ay agad na nasawi. Isinurender naman ng ama ng biktima ang cal 45 pistol armscor na ginamit ng biktima sa pagbaril sa sarili.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng sinasabing pagpapatiwakal ng biktima.

vuukle comment

BIKTIMA

BLANGKO

BRGY

CAVITE

OLIVER SALAZAR

ORLIE BATACLAN

PANGIL NATIONAL HIGH SCHOOL AMADEO

POBLACION AMADEO

UMANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with