Kolektor ng NPA inutas ng kabaro
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang 44-anyos na kolektor ng mga rebeldeng New People’s Army matapos itong pagbabarilin ng mga kabarong rebelde sa harap ng kanyang misis kahapon ng Tanghali sa Barangay Lourdes, bayan ng Pilar, Sorsogon. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Victor P. Deona, nakipagkita ang biktimang si Juan Arena Jr. kasama ang kanyang misis sa itinakdang lugar ng kanyang mga kabarong rebelde matapos makatanggap ng text message. Nang magkita ang biktima at mga kasamahang NPA ay kaagad na pinaalis ang kanyang misis subalit hindi ito umalis. Gayon pa man, ilang minuto matapos komprontahin ng mga rebelde ang biktima ay pinagbabaril ito sa harap ng kanyang misis. Sa impormasyong nakalap ng pulisya, hindi naibigay ng biktima ang mga nakolektang buwis sa opisyal ng NPA kaya ito pinatahimik.
- Latest



















