^

Probinsiya

Abu Sayyaf commander sugatan, 10 pa utas sa all out offensive

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasugatan si Abu Say­yaf Commander Ra­dulan Sahiron habang sampu pa sa tauhan nito ang napaslang sa patuloy na all out offensive ng tropa ng militar sa Patikul, Sulu, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Harold Cabunoc natanggap nila ang impormasyon na sugatang nakatakas si Sahiron na kasalukuyan pa nilang beneberipika at nauubusan na rin ng bala ang grupo nito.

Inihayag naman ni Captain Rowena Muyuela, Spokesperson ng AFP Western Mindanao Command, sa halos 3 oras na bakbakan na nag-umpisa dakong alas-12:15 ng tanghali sa pinagkukutaan ng Abu Sayyaf sa Brgy. Kabuntakas, Patikul ay nasa sampu pa ang nalagas sa hanay ng mga kalaban.

Dahil dito, umpisa noong Miyerkules matapos na ilunsad ang all out offensive ay nasa 29 na ang napapaslang na bandido habang walo pa sa mga ito ang nasugatan o kabuuang 27 sugatan.

Sa panig ng tropa ng Joint Task Group (JTG) Sulu na pinamumunuan ni Col. Allan Arrojado ay dalawang sundalo ang nasawi kung saan sa pinakahuling bakbakan ay sampu pa ang nasu­gatan sa tropang gobyerno na sa kabuuan ay aabot na sa 26 ang nasugatang sundalo.

Nabulabog ang grupo ni Sahiron na  may hawak na mga hostages at nasa 300 ang mga tauhan ay nasagupa ang blocking force ng tropa ng militar sa Brgy.Kabuntakas. Ang nagsitakas mga bandido ay patungo sa direksyon ng hilagang bahagi ng Brgy. Kabuntakas at Taglibe; pawang sa bayang ito.

Magugunita na ipinag­utos ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio  Catapang Jr., ang malawakang all out offensive laban sa grupo ng Abu Sayyaf sa Basilan at Sulu upang tuldukan na ang paghahasik ng mga ito ng tero­rismo.

vuukle comment

ABU SAY

ABU SAYYAF

ALLAN ARROJADO

BRGY

CAPTAIN ROWENA MUYUELA

CATAPANG JR.

CHIEF OF STAFF GEN

KABUNTAKAS

SAHIRON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with