14 Abu Sayyaf patay sa Sulu
MANILA, Philippines – Umakyat na sa 14 na miyembro ng Abu Sayyaf ang nasawi sa patuloy na pagtugis sa kanila ng militar sa Patikul, Sulu.
Bukod sa mga nasawi, 19 pang bandido ang sugatan, habang nakopo na rin ng militar ang kanilang dalawang kampo sa Sitio Dayundangan, Barangay Buhanginan.
Samantala, nananatili sa dalawa ang bilang ng mga nasawing sundalo, habang tumaas sa 16 ang sugatan.
Sinabi ni Capt. Maria Rowena Muyuela, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines' Western Mindanao Command (Westmincom), na nakaengkwentro nila ang grupo ni Abu Sayyaf sub-leader Hatib Hajan Sawadjaan.
“Camps discovered have traces of bloodstains, which indicated the Abu Sayyaf suffered heavy casualties,” wika ni Muyuela base sa pahayag ni Joint Task Group Sulu (JTGS) commander Col. Alan Arrojado.
Anim sa mga nasawing bandido ang kinilalang sina: Musar Sawadajaan, Berhamin Jawhari, Jani Madjid, Adzmar Muhammad, Ompoy Uran, at Mussal Jawhari.
- Latest