^

Probinsiya

Holdaper dedo sa 69-anyos!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, QUEZON, Philippines –Hindi umubra ang isa sa riding in tandem na humoldap sa isang 69-anyos na lalaki matapos na ma­patay sa pakikipagbarilan sa biktima kamakalawa sa Brgy. Malabanban Norte.

Kasalukuyan pang bine­beripika ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek na tinatayang nasa 20-30-anyos at may taas na 5’7’’ samantalang tinutugis pa ang kasama nitong isa pang holdaper.

Ayon kay P/Supt. Art Brual Jr., hepe ng pulisya dito, dakong alas-2:30 ng hapon ay lulan ng Isuzu DMAX (VEG-685) si Amado Escamillas, ng Brgy. Sta. Catalina Norte kasama ang asawa at dalawang apo nito. Kagagaling lang nila sa isang bangko sa kabayanan at nag-widthraw ng halagang P150,000.

Nagpasya umanong bumili sa isang sari-sari store sa gilid ng highway ang misis ni Escamillas, subalit maya-maya ay biglang may dumating na isang motorsiklo sakay ang dalawang lalaki. Bumaba ang isang suspek at agad na kinatok ang salamin ng sasakyan habang lulan si Escamillas at nagdeklara ng holdap.

Nang hindi pagbuksan ng matanda ang bintana, binaril siya ng suspek sa pisngi at bagamat sugatan ay nagawang bunutin ng biktima ang kanyang baril na kalibre 45 at binaril sa dibdib ang suspek na ikinasubsob nito sa kalye.

Mabilis namang kinuha ng isa sa suspek ang baril ng kasama nitong may tama saka mabilis na tumakas.

Isinugod sa United Candelaria Hospital ang matanda at ngayon ay nagpapagaling na samantalang idineklarang dead on arrival sa  Peter Paul Hospital ang isang suspek.

vuukle comment

AMADO ESCAMILLAS

ART BRUAL JR.

AYON

BRGY

CATALINA NORTE

ESCAMILLAS

MALABANBAN NORTE

PETER PAUL HOSPITAL

UNITED CANDELARIA HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with