^

Probinsiya

NPA umatake: 5-katao patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang isang rebeldeng New People’s Army at apat na sundalo habang apat naman sa tropa ng militar ang nasugatan sa pag-atake ng  mga rebelde sa himpilan ng Mati City PNP sa Davao Oriental kamakalawa ng gabi.

Dakong alas-7:30 ng gabi nang atakehin ng mga armadong rebelde na naka-fatigue uniform ang himpilan ng Mati City PNP sa Barangay Poblacion.

Hindi naman inasahan ng mga rebelde na nakahanda ang pulisya at sa tulong  ng tropa ng Army’s 701st Brigade ay nakipagsagupaan kung saan makalipas ang ilang minutong bakbakan ay nagsiatras ang grupo ng NPA na lulan ng truck, dalawang van at limang motorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Sudlon.

Nabigo ang NPA rebs na makubkob ang nasabing himpilan habang isa namang rebelde ang napaslang sa bakbakan kung saan suga­tan naman ng isang pulis.

Sa pahayag naman ni Col. Romeo Brawner Jr, hepe ng operations sa AFP-Eastern Mindanao Command, tatlo sa mga sundalo ng Army’s 701st Infantry Battalion na tumugis sa papatakas na NPA rebs ang namatay matapos masabugan ng dalawang landmine na itinanim ng mga rebelde.

Kinilala ang namatay na sina Pfc. Daniel Damansila Jr., Private Ryan Amigo at si Pfc. Wil Christian Resuelo na namatay sa Tagum City Hospital.

Kabilang naman sa suga­tan ay sina Pfc. Virgil Logro­nio, Pfc. Emerito Castillo, Pfc. Zaldy Canonero at si Pfc. Ian Mark Babiera.

Maging si Sergeant Adel Lucanan ng 67th Infantry Battalion na nakasibilyan ay pinagbabaril ng mga rebeldeng nakakalat sa kalsada matapos itong maharang sa checkpoint ng NPA.

BARANGAY POBLACION

BARANGAY SUDLON

DANIEL DAMANSILA JR.

DAVAO ORIENTAL

EASTERN MINDANAO COMMAND

EMERITO CASTILLO

IAN MARK BABIERA

INFANTRY BATTALION

MATI CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with