^

Probinsiya

Radio broadcaster patay sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang radio broadcaster ang nasawi matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang motorcycle ri­ding gunman sa naganap na ambush sa harapan ng kanilang radio station sa Tagbilaran City, Bohol  kahapon.

Kinilala ni Supt. Joie Pacito Yape, Spokesman ng Bohol Provincial Police Office ang biktima na si Engineer Maurito Lim, brodkaster sa DYRD radio sa nasabing lungsod.

Bandang alas-10:45 ng umaga, ayon kay Yape habang ang biktima ay nakatayo sa tapat ng DYRD radio station sa nasabing lungsod nang biglang sumulpot ang salarin na sakay ng motorsiklo at pagbabarilin ito.

Agad namang tumakas ang suspek patungo sa hilagang direksyon ng Brgy. Inting ng nasabing lungsod.

Nagawa pang maisugod ang biktima sa Governor Celestino Gallares Hospital pero binawian rin ito ng buhay dakong ala-1:15 ng hapon

Inihayag ni Yape na bumuo na ng Special Investigating Task Group (SITG) ang Bohol Police upang imbestigahan ang motibo ng krimen.

Sa tala, umpisa 1992 ay umaabot na sa 79 ang kaso ng mga pinaslang na mediamen sa bansa kung saan sa ilalim ng administrasyon ay mahigit na sa 20 ang napatay na mamamahayag.

vuukle comment

BANDANG

BOHOL POLICE

BOHOL PROVINCIAL POLICE OFFICE

ENGINEER MAURITO LIM

GOVERNOR CELESTINO GALLARES HOSPITAL

JOIE PACITO YAPE

SPECIAL INVESTIGATING TASK GROUP

TAGBILARAN CITY

YAPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with