^

Probinsiya

3 ‘tulak’ timbog sa drug bust

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Tatlong katao kabilang ang isang babae ang naaresto ng pulisya matapos na isagawa ang magkasunod ng drug bust operation sa mga barangay ng Bayugo at Hulo, Meycauayan City, Bulacan kahapon.

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang mga suspek na sina Joel “Caring” Luna, 30; Armando De Leon, 36 at Elsa Batu, 41.

Base sa ulat ni P/Supt. David Poklay dakong alas-5:30 ng hapon ay isang residente sa kanilang lugar sa Brgy. Bayugo ang nag-ulat sa pulisya hinggil sa talamak na pagbebenta ng shabu ng isang alyas Caring at nang makumpirma ay dito na isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek . Narekober dito  ang 6 na pakete ng shabu na nagkakahalga ng P15,000 piso kabilang ang marked money.

Dakong alas-11:00 ng gabi ay isa ding impormante ang tumimbre sa pulisya hinggil sa pagdadala ng shabu ng isang lalaki at isang babae sa bahagi ng Hulo-Banga Road sa Brgy. Banga at nang respondehan ay dito nakita sina De Leon at Batu na nakasakay sa isang motorsiklo at nang sitahin ay nakarekober pa ng 4 na pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P12,000 piso saka inaresto.

vuukle comment

ARMANDO DE LEON

BATU

BAYUGO

BRGY

BULACAN

DAVID POKLAY

DE LEON

ELSA BATU

HULO-BANGA ROAD

MEYCAUAYAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with