^

Probinsiya

Granada sumabog sa bahay ng ex-mayor: Mag-utol patay

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang magkapatid na caretaker, habang isa pa ang malubhang nasu­gatan makaraang sumabog ang pinaglaruang granada ng isa sa mga biktima sa loob ng tahanan ng isang dating alkalde sa bayan ng Banisilan, North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Romar “Tata” Anarilla, 24 at Benjie  Anarilla, 15; kapwa  caretaker sa bahay ni da­ting Banisilan Mayor Floro Allado.

Isinugod naman sa Ma­ramag Hospital ang suga­tang biktima na si Cocoy Allado, pamangkin ng da­ting alkalde.

Sa ulat ni Senior Ins­pector Aldrin Gonzales, tagapagsalita ng Central Mindanao Regional Police, naganap ang insidente sa Brgy. Poblacion, Banisilan ng lalawigang ito bandang alas-7 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, pinaglaruan ng isa sa mga nasawing biktima ang nasabing granada. Natanggal ang pin ng granada kung saan sa lakas ng pagsabog ay halos nagutay ang katawan ng magkapatid.

Nagkataon namang wala sa kaniyang bahay ang alkalde nang mangyari ang pagsabog.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon  ang kasong ito.

vuukle comment

ALDRIN GONZALES

ANARILLA

AYON

BANISILAN

BANISILAN MAYOR FLORO ALLADO

CENTRAL MINDANAO REGIONAL POLICE

COCOY ALLADO

NORTH COTABATO

SENIOR INS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with