^

Probinsiya

Dalaga niratrat sa harap ng mall

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines - Patay ang isang 40-anyos na dalaga matapos magtamo ng tama ng bala nang barilin ng isang lalaki habang nasa tapat ng isang mall sa lungsod ng Bacoor kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ana Gonzales,  residente ng #234 Camia St., Brgy. Zapote 1, Bacoor City.

Isang alias “Muda” lamang ang nakilalang bumaril sa biktima na mabilis na tumakas tangay ang armas na ginamit sa pagpatay.

Sa imbestigasyon, alas-11:25 ng gabi habang nakatayo ang biktima na tila may hinihintay sa harap ng FRC Savemore Mall sa Brgy. Talaba 5 nang biglang lapitan ng isang hindi kilalang lalaki. Mabilis na bumunot ng baril ang lalaki at binaril ng mala­pitan sa ulo ang biktima.

Nabatid na isang kaibigan ng biktima  na nagngangalang Jayson Ocampo, 22, ang nagpahayag na may kinalaman umano sa droga ang pagpatay sa biktima, hinggil sa nasa­sangkot umano ang kanyang kaibigan (biktima) sa mga aktibidades tungkol sa droga.

Narekober ng pulisya ang isang fired cartridge case ng kalibre 9 mm sa pinangyarihan ng insidente.

vuukle comment

ANA GONZALES

BACOOR

BACOOR CITY

BIKTIMA

BRGY

CAMIA ST.

ISANG

JAYSON OCAMPO

SAVEMORE MALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with