^

Probinsiya

Store owner pumalag sa holdap, itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang store owner matapos na pagbabarilin nang pumalag sa mga armadong holdaper  na nanloob sa tindahan nito sa Barangay Poblacion, bayan ng Prosperidad, Agusan del Sur kamakalawa ng gabi.

Dalawang  tama ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo kaya idineklarang patay sa D.O. Plaza Memorial Hospital ang biktimang si Efren Mabras.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naghahanda na ang biktima para magsara ng kaniyang tindahan nang biglang sumulpot ang apat na armadong lalaki na nagpanggap na mga kustomer.

Kaagad nagdeklara ng holdap ang apat na pu­wer­sahang kinuha ang P2,000 na pinagbentahan ng biktima.

Nanlaban naman ang biktima kaya nairita ang dalawa sa mga holdaper kaya ito pinagbabaril sa ulo.

Isa sa mga suspek ay natukoy na notoryus na si Ken-Ken Perez na mabilis na nagsitakas lulan ng motorsiklo.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol na kasalukuyang isinasailalim na sa ballistic examination.

vuukle comment

AGUSAN

BARANGAY POBLACION

CAMP CRAME

DALAWANG

EFREN MABRAS

ISA

KAAGAD

KEN-KEN PEREZ

PLAZA MEMORIAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with