2 vendor huli sa pagbebenta ng dolphin
MANILA, Philippines - Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang fish vendor matapos itong maaktuhang nagbebenta ng kinatay na dolphin sa palengke ng Libmanan, Camarines Sur kamakalawa.
Kinilala ni Sr. Supt. Primo Golingay, director ng Camarines Sur Police ang mga nasakoteng suspek na sina Jose Franco Dado, 39 at Belinda Abril, 44.
Bandang alas-7:40 ng umaga ng dakpin ng Libmanan Police sa pangunguna ni SPO2 Jacinto Parado ang mga suspek ang dalawang vendor na kinatay at ibinebenta ang 16 at ¾ na kilo ng dolphin.
Ang dolphin ay isang ‘endangered species’ na ipinagbabawal ibenta. Isinailalim na sa kustodya ng pulisya ang dalawang vendor na nahaharap sa paglabag sa Republic Act 8550 o ang Philippine Fisheries Code of 1998. (Francis Elevado)
- Latest