^

Probinsiya

10-katao todas sa landslide

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinaniniwalaang aabot sa 10-katao ang nilamon ng mga pitak na bato matapos matabunan ang tatlong bahay sa naganap na landslide sa Sitio Iraya, Barangay Inang Maharang sa bayan ng Manito, Albay kahapon ng umaga.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang mga rescue team sa nasabing lugar dahil ang mga kalsada na patungo sa Sitio Iraya ay nahara­ngan ng malalaking tipak na mga bato at putik dulot ng Bagyong Amang na halos magdamag na pag-ulan.

Double time ang isinasagawang pagkilos ng mga kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan upang kaagad na marating ang nasabing lugar.

Maging ang mga residente na nakatira sa nasabing lugar ay nagsilikas para sa kanilang kaligtasan dahil sa takot na patuloy ang landslide.

Nabatid na nagkaroon ng lindol sa nasabing barangay na sinasabing sanhi ng landslide dahil na rin sa malakas na buhos ng ulan.

Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na sa tatlong  bahay na natabunan ay may ilang miyembro ng pamilya na nakituloy dahil sa Bagyong Amang subalit hindi inakala ang mga ito na guguho ang bundok.

Ilan sa mga residente ay nagtulung -tulong upang hukayin ang mga biktimang natabunan para mailigtas.

Umaabot sa 32, 625-katao (7,427 na pamil­ya) ang inilikas patungo sa mga evacuation center sa lalawigan ng Albay kahapon ng madaling araw.

ALBAY

BAGYONG AMANG

BARANGAY INANG MAHARANG

HABANG

ILAN

MALAKI

NABATID

SITIO IRAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with