^

Probinsiya

Misis inutas ng 14-anyos dahil sa jacket

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang 29-anyos na misis na sinasabing tumangging isauli ang jacket na naiwan ng kanyang kapitbahay matapos itong saksakin sa Purok Riverside, Barangay Taruc sa bayan ng Remedios T. Lim, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng tanghali.

Napuruhan sa leeg ang biktimang si Arlyn Lanot habang arestado naman ang suspek na itinago sa pangalang Rudy.

Sa police report na isi­numite sa Camp Crame, sinabi ni P/Inspector Dahlan Samuddin, nagtungo ang suspek sa bahay ng biktima upang kunin ang naiwan nitong jacket na regalo lamang sa kaniya at may sentimental value.

Gayon pa man, tumanggi ang biktima na isauli ang jacket na nagustuhan nito kaya nagpumilit ang suspek na kunin ito pero sinampal pa ito ng biktima.

Dito na tuluyang sumik­lab ang galit ng binatilyo kaya sandaling umalis at umuwi pero pagbalik ay may dalang bagong hasang itak na itinarak nito sa leeg ng misis.

Nagawa pang maisugod sa Ipil Doctors Hospital su­balit namatay din ang biktima dahil sa malalim na saksak sa leeg.

Kasalukuyang nasa  lokal na Municipal Social Welfare and Development ang suspek dahil sa pagi­ging menor-de-edad nito.

 

vuukle comment

ARLYN LANOT

BARANGAY TARUC

CAMP CRAME

INSPECTOR DAHLAN SAMUDDIN

IPIL DOCTORS HOSPITAL

MUNICIPAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

PUROK RIVERSIDE

REMEDIOS T

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with