^

Probinsiya

2 sundalong bihag ng NPA pinalaya na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang mahigit 4 na buwang pagkakabihag, pinalaya na ng mga rebeldeng NPA ang bihag nilang dalawang sundalo sa Brgy. Saint Peter Malaybalay City, Bukidnon nitong Biyernes.

Kinilala ni Major Ezra Balagtey, Spokesman ng AFP Eastern Mindanao Command  ang mga pinalayang bihag na sina Pfc. Jerrel Yorong at Pfc. Manuel Cinches, kapwa kasapi ng Army’s 8th Infantry Battalion (IB).

Bandang alas-10:55 ng umaga, ayon kay Balagtey ng pakawalan ng mga rebelde sina Yorong at Cinches sa Brgy. St. Peter ng lungsod ng Malaybalay.

Ang mga ito ay binihag ng mga armadong rebelde sa bayan ng Impasug-ong, Bukidnon noong nakalipas na Agosto 22 ng taong ito.

 Nabatid pa sa opisyal na mahina ang kondisyon ng katawan ng dalawang sundalo at bukod dito’y bumagsak din ang kalusugan ng mga ito.

vuukle comment

AGOSTO

BRGY

BUKIDNON

EASTERN MINDANAO COMMAND

INFANTRY BATTALION

JERREL YORONG

MAJOR EZRA BALAGTEY

MANUEL CINCHES

SAINT PETER MALAYBALAY CITY

ST. PETER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with