Pupil hinalay sa ilog
MANILA, Philippines – Masaklap na kapalaran ang sinapit ng isang elementary pupil matapos itong halayin sa ilog ng kanyang kapitbahay sa Barangay Dohinob, bayan ng Roxas, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi. Sa ulat na isinumite sa Camp Crame, tumatawid pauwi ang biktimang itinago sa pangalang Elsa nang sunggaban ng suspek bandang alas-7 ng gabi. Walang nagawa ang dalagita dahil malakas ang suspek kung saan tinutukan ito ng patalim saka isinagawa ang maitim na balak. Inabandona ng suspek ang umiiyak na dalagita kung saan binantaang papatayin kapag nagsumbong sa kaniyang mga magulang. Halos hindi makagulapay ang biktima na umuwi at ipinagtapat sa kanyang mga magulang ang naganap na insidente. Arestado naman ang suspek sa isinagawang follow-up operations ng mga operatiba ng pulisya.
- Latest