Driver ng vice mayor tiklo sa drug bust
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Arestado ang ang driver-bodyguard ng Ilocos Norte vice mayor matapos itong makumpiskahan ng apat na malalaking sachet ng shabu sa isinagawang drug bust operation ng pulisya sa kanyang bahay sa Barangay 9, bayan ng Vintar sa nabanggit na lalawigan kamakalawa. ?
Sa police report na isinumite kay Ilocos Norte PNP Director P/Senior Supt. Antonio Mendoza Jr. nasa drug watchlist ang naarestong suspek na si Edcel Gagarin.?
Bukod sa droga ay nakumpiskahan pa ang suspek ng mga bala ng iba’t-ibang kalibre ng baril.
Dahilan sa pangyayari ay ipinaabot ni Vintar Vice Mayor Rowland Albano ang kanyang pagbati sa pulisya kaugnay sa pagkakaaresto sa suspek.?
Si Albano ay naging Director General ng PNP bago ito nagretiro at pumalaot sa pulitika.
Noong nakalipas na Pebrero 2014 ay nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa checkpoint ang Tourism Officer ng Vintar na si Erwin Suguitan na may itinatagong shabu habang sakay sa motorsiklo.
Bunga nito, hinamon ni Albano na magpa-drug test ang buong kawani ng lokal na pamahalaan ng Vintar.
- Latest