^

Probinsiya

2 magsasaka itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawang magsasaka ang napatay sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Isabela at Ilocos Sur kamakalawa.

Sa ulat ni P/Senior Insp. Ferdimar Quitevis, hepe ng Beniot Soliven PNP, napatay ang 31-anyos na magsasakang si Marlon Balbin matapos itong pagtatagain ng 24-anyos na kanyang kaibigang lango sa alak na si Florendo Ramos sa Barangay Yeban Norte, bayan ng Benito Soliven, Isabela.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nauwi sa mainit na pagtatalo ng suspek at ama ng biktima na kapwa senglot mula sa binyagan nang maganap ang  krimen.?

Tinangkang awatin ng biktima ang dalawa subalit siya ang pinagbalingang saksakin ng suspek.

Samantala, niratrat at napatay ng di-kilalang lalaki ang isang magsasaka habang ito ay naghahapunan kasama ang kanyang misis sa Barangay Cuancabal, bayan ng Cabugao, Ilocos Sur kamakalawa. ?

Kinilala ni P/Chief Insp. William Nerona, hepe ng Cabugao PNP ang napaslang na si Cesario Rimarim. ?

Hindi naman sinaktan ng gunman ang natulalang misis saka tumakas sakay ng motorsiklo.

Alitan sa lupang sinasaka ang isa sa mga anggulong sinilip ng pulisya kaya naganap ang pamamaslang.

vuukle comment

BARANGAY CUANCABAL

BARANGAY YEBAN NORTE

BENIOT SOLIVEN

BENITO SOLIVEN

CABUGAO

CESARIO RIMARIM

CHIEF INSP

FERDIMAR QUITEVIS

FLORENDO RAMOS

ILOCOS SUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with