^

Probinsiya

Trailer truck vs jeepney: 5 patay, 15 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinalubong ni kamata­yan ang lima-katao habang 15 naman ang nasugatan makaraang  kumalas ang trailer truck ng DOLE Stanfilco kung saan nabagsakan ang kasalubong na pampasaherong jeepney sa kahabaan ng highway sa Barangay San Isidro sa bayan ng Talakag, Bukidnon kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni P/Inspector Edwin Mondalo, hepe ng Talakag PNP, tatlo sa mga biktimang sina Irish Mae Napay, Ethel Talaroc, at Blessel Corneta ay idineklarang patay sa Talakag Hospital.

Samantala, namatay naman sa ospital sa Cagayan de Oro City si Barangay Kagawad Ricardo Napay at isang hindi pa nakilalang babae.

Sugatan naman sina Jovy Mae Allera, Samantha Fe Allera, Rex Napay,  Arnold Paano, driver; at dalawang anak na lalaki ni Paano na sina Arnel at Arkem na kapwa konduktor; Neil Lumigue, Perlita Labial, Jimmy Macia,  Florencio Sabugaa, misis nitong si Emma, anak na si Emma Flor at isang hindi pa nakilalang pasahero.

Dalawa sa mga biktima na nasa kritikal na kondis­yon ay ang mag-inang Leah Mae Napay at ang 13-an­yos nitong anak na si Ryan Napay na ginagamot sa Maria Reyna Hospital.

Bandang alas-5 ng hapon nang kumalas ang head tractor ng trailer truck (PUV-347) na kargado ng saging pagsapit sa pakurbadang highway na patu­ngong Cagayan de Oro City.

Nadaganan ng head tractor sa pagbaliktad sa kaliwang bahagi ng highway ang pampasaherong jeepney na lulan ang mga biktima.

Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang driver ng trailer truck  matapos ang trahedya.

vuukle comment

ARNOLD PAANO

BARANGAY KAGAWAD RICARDO NAPAY

BARANGAY SAN ISIDRO

BLESSEL CORNETA

EMMA FLOR

ETHEL TALAROC

FLORENCIO SABUGAA

INSPECTOR EDWIN MONDALO

ORO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with