Tinedyer nabaril ng seaman, grabe
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang tinedyer matapos aksidenteng mabaril sa leeg ng kanyang kainumang bakasyunistang seaman habang nilalaro nito ang kanyang boga sa Brgy. Casambalangan, Sta. Ana, Cagayan kamakalawa. ?Kinilala ni PO3 Joel Palor ang biktima na si Mark Ildefonso habang ang suspek ay ang kaibigan nitong si Michael Calibuso, 25.? Lumalabas sa imbestigasyon na pinaglaruan ng suspek ang baril nitong 9mm sa gitna ng kanilang masayang inuman ng menor-de-edad na biktima at ilan pang kabarkada. Aksidente namang nakalabit ng suspek ang gatilyo ng baril na pumutok at tumama sa biktima na kasalukuyan ng nilalapatan ng lunas sa St. Paul Hospital sa lungsod. Sumuko naman ang suspek sa pulisya bitbit ang kaniyang armas.
- Latest