3 patay sa road mishap
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Tatlong katao ang nasawi matapos salpukin ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo ng rumaragasang dump truck at isang Victory Liner bus sa dalawang magkakahiwalay na aksidente sa highway ng Brgy Rang-Ayan, Roxas at San Fernando, Alicia sa lalawigan ng Isabela kagabi.?
Kinilala ni Chief Insp. Virgilio Abillera, hepe ng Roxas Police ang mga nasawi na sina Melanio Sagun Jr., 35 at Aristotle Sinense, 31-anyos; pawang sakay ng motorsiklo habang ang driver ng dump truck na kanilang nakasalpukan ay nakilala namang si Michael Sumulat, 37 na tubong Cabarroguis, Quirino. ?
Lumalabas sa imbestigasyon na namiskalkula ni Sumulat ang distansiya ng kasalubong na motorsiklong minamaneho ni Sagun kung kayat nahagip ng behikulo nito ang mga biktima dakong alas-8:30 ng gabi. Patay na nang mairating sa ospital ang dalawang biktima. Ayon sa report nagtangkang takasan ni Sumulat ang krimen subali’t naharang ito at ang truck niyang puno ng kargang tubo sa checkpoint ng mga pulis sa kasunod na bayan ng Burgos sa Alicia, Isabela. Nasilaw sa ilaw ng kasalubong na tricycle na si Benito Asuncion na driver ng Victory Liner bus na patungong Maynila kung kaya nito natumbok sa kahabaan ng national highway dakong alas-10 ng gabi. Sinasabing nang agaw ng linya ang tricycle na minamaneho ni Sherwin Tamundong, 33. Ayon sa report; sa lakas ng pagkakabangga ay naghiwalay ang motorsiklo at sidecar ng biktima na nagkalasug-lasog naman ang buto. Sumuko naman sa mga nagrespondeng pulis ang driver ng bus.
- Latest