^

Probinsiya

Mister pumalag sa 2 kawatan, binoga!

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Nasa malubhang kalaga­yan  ang isang 53-anyos na mister matapos na  manlaban sa dalawang lalaki na naaktuhang nagnanakaw ng makina ng kanyang traktora sa Zopne 7, Barangay San Antonio, Nabua, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw.

Kasalukuyang ginagamot sa Rinconada Medical Center ang biktima na kinilalang si Lodinilo Nuarin,  magsasaka at residente ng naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang magising ang biktima at makarinig ito ng ingay sa labas ng kanyang bahay. Dito, agad  siyang lumabas at nakita nito ang dalawang  hindi kilalang mga suspek na ninanakaw ang makina ng Yanmar NS50 na nakakabit sa kanyang traktora.

Tinangkang manlaban ng biktima sa dalawang suspek subalit  bigla na lamang siyang pagbabarilin. Nang bumulagta, mabilis na tumakas papalayo sa lugar ang mga suspek.

Kaagad naman na na­gising ang pamilya ng biktima at isinugod siya sa pagamutan upang malapatan ng lunas ang tinamo nitong tama ng bala sa katawan.

vuukle comment

BARANGAY SAN ANTONIO

CAMARINES SUR

DITO

KAAGAD

KASALUKUYANG

LODINILO NUARIN

NABUA

NANG

RINCONADA MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with