^

Probinsiya

Pasaway na utol dinedo ng kuya

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang 31-anyos na obrero ng kanyang nakatatandang kapatid dahil sa pagiging pasaway at badboy nito kamakalawa ng gabi sa Barangay Kalibo, bayan ng Calauag, Quezon. Nagtamo ng mga tama ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan si Roel Bo habang tumakas naman ang suspek na kuya nitong si Rode Bo, 44, kapwa may-asawa, at nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ng pulisya, dumating nang lasing ang biktima sa kanilang bahay kaya kinompronta ito ng suspek at sinabihang tigilan na ang pagiging pasaway sa mga magulang at ang pagiging siga. Sa halip na pakinggan ay sinuntok ng biktima ang kanyang kuya kung saan  nagtungo naman sa kusina ang suspek para kumuha ng patalim saka inundayan ng sunud-sunod na saksak ang nakababatang kapatid.

vuukle comment

BARANGAY

BARANGAY KALIBO

CALAUAG

NAGTAMO

PAGIGING

PINAGSASAKSAK

QUEZON

RODE BO

ROEL BO

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with