^

Probinsiya

P2-M ari-arian, nilimas

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Aabot sa P2 milyong halaga ng ari-arian ang naglaho matapos itong tangayin ng apat na armadong kawatan na nanloob sa bodega ng pagkain ng mga isda sa Barangay San Nicolas, bayan ng Hagonoy, Bulacan kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Rosalinda Gaddi, 66, negosyante; at si Pablo Dela Cruz, 56,, katiwala ni Gaddi at kapwa nakatira sa Purok 4 sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon ni PO3 Frederick Felipe, pinasok ng apat na armadong kalalakihan ang bodega na pag-aari ni Gaddi kung saan iginapos ang mag-amo saka tinangay ang mahahalagang dokumento, alahas at cal. 9mm pistol na nagkakahalaga ng P2 milyon. Maging ang Starex van na may plakang (RGX-550) ay ginawang gateaway vehicle ng mga kawatan para hindi mahalata ang pagtakas. Sinisilip ng pulisya ang anggulong inside job ang naganap na krimen.

vuukle comment

AABOT

BARANGAY SAN NICOLAS

BULACAN

FREDERICK FELIPE

HAGONOY

KINILALA

PABLO DELA CRUZ

PUROK

ROSALINDA GADDI

SINISILIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with