Bombang itatanim ng NPA, nasilat
MANILA, Philippines – Nasilat ng mga tropa ng 2nd Infantry Batallion ng Phil. Army ang pagtatanim ng landmine ng mga rebeldeng New Peoples Army sa liblib na bahagi ng sa Barangay Balolo, bayan ng Guinobatan, Albay kahapon ng umaga. Sa pahayag ni Major Angelo Guzman, tagapagsalita ng Souther Luzon Command, nagpapatrulya ang mga sundalo nang maispatan ang mga armadong rebelde na itinatanim ang bomba.Gayon pa man, sumiklab ang limang minutong bakbakan hanggang sa umatras ang mga rebelde at inabandona ang improvised landmine. “Nagpapakita lamang ang NPA na walang respeto sa Geneva Convention at sa Comprehensive Agreement for Respect to Human Rights at International Humanitarian Law dahil ang paggamit ng landmine ay pinagbabawal dahil sa itinuturing itong nakasisira sa kalikasan,” pahayag naman ni Lt. Col. Perfecto Panaredondo, commander ng 2nd Infantry Batallion.
- Latest