Titser pinabulagta ng riding in tandem
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Pinaniniwalaang malaking pagkakautang ang isa sa mga motibo sa pamamaslang sa isang guro sa elementarya matapos na pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem sa Brgy. Cabugao, Echague, Isabela nitong Biyernes.
?Kinilala ni Chief Insp. Gerald Gamboa, hepe ng Echague Police ang biktima na si Twinkle Gario, 37 anyos ng Brgy Silauan Sur sa nasabing bayan. ?Lumalabas sa imbestigasyon na inihahatid ng kanyang mister ang biktima patungo sa Cabugao Elementary School nang harangin sila ng dalawang salarin at pagbabarilin ng cal. 45 pistol sa katawan.
Duguang tumilapon sa motorsiklo ang biktima na bagaman naisugod pa ng rescue team sa District Hospital ay binawian rin ng buhay.?
Sa pagtatanong ng mga imbestigador, sinabi ng mister ng biktima na ang malaking halaga ng pagkakautang ng kaniyang misis ang hinihinala niyang naging mitsa sa buhay ng asawa.?
- Latest