^

Probinsiya

Giyera sumiklab: 2 dedo, 3 sugatan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang magtiyuhin habang tatlo naman ang sugatan sa muling pagsiklab ng sagupaan ng militar at mga armado ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa hangganan ng bayan ng Pikit, North Cotabato at Maguindanao.

Kinilala ang magtiyuhin na sina Raihana Acmad, 11; Kanto Salidasan, 42, magsasaka habang tatlo naman ang nasugatan na mga residente ng Barangay Kabasalan sa bayan ng Pikit Cotabato.

Ayon kay Barangay Kagawad Teng Lidasan, lumilikas ang mga biktimang lulan ng bangka nang tamaan ng ligaw na bala ng mortar mula sa nagsagupang militar at BIFF.

Nabatid na sumiklab ang putukan matapos na muling magkasalubong ang tropa ng militar at mga rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa hangganan ng Maguindanao at North Cotabato.

Dahil sa dami ng mga rebelde gumamit ang militar ng 105mm Howitzers Cannon para bombahin ang posisyon ng mga kalaban kung saan tinamaan naman ng mga ligaw na bala ang mga biktimang nagsisilikas.

Hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy ang sagupaan ng magkabilang panig at hindi pa matiyak kung mayroong napatay sa militar at BIFF.

vuukle comment

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BARANGAY KABASALAN

BARANGAY KAGAWAD TENG LIDASAN

HOWITZERS CANNON

KANTO SALIDASAN

MAGUINDANAO

NORTH COTABATO

PIKIT COTABATO

RAIHANA ACMAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with