^

Probinsiya

Matandang dalaga sinilaban ang sarili

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nakaranas ng matinding kalungkutan bunga ng pag-iisa sa buhay ang nagtulak sa 60-anyos na matandang dalaga para magpatiwakal matapos nitong silaban ang sarili sa Barangay Ali Alsree, bayan ng Remedios Trinidad Lim, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng hapon.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, natagpuan ang natustang bangkay ng biktimang si Maria Tubal  na halos hindi na makilala sa may basurahan sa nabanggit na barangay bandang alas-5:30 ng hapon.

Narekober din ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang galon na pinaglagyan ng gaas na ginamit sa pagpa­patiwakal ng biktima.

Sa pahayag ng mga kamag-anak sa pulisya, dakong alas-7 ng umaga ay umalis na ang matanda sa kanilang bahay kung saan nabulaga sila ng madis­kubreng sinilaban nito ang sarili.

Nabatid din na may ilang araw na ring wala sa sarili ang matanda na sinasabing dumaranas ng matin­ding depresyon dahil sa kawalan ng kasama sa bahay o asawa saka mga anak.

 

vuukle comment

BARANGAY ALI ALSREE

CAMP CRAME

MARIA TUBAL

NABATID

NAREKOBER

PINANINIWALAANG

REMEDIOS TRINIDAD LIM

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with