^

Probinsiya

Ina hinostage ng anak na adik

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Arestado ang lalaking lulong sa shabu matapos na i-hostage nito ang sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Tungkong Mangga, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kasong kriminal ang kinakaharap ng suspek na si Joel Bueno, 40, habang sumailalim naman sa stress debriefing ang nanay na si Leticia Bueno, 61, biyuda at kapwa nakatira sa Diamond Crest Subdivision sa nasabing barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Charlie Cabraddilla, lango sa droga ang suspek nang i-hostage nito ang sariling ina kaugnay sa nawawala niyang misis saka nagbantang susunugin ang kanilang bahay. Kaagad naman nakipagnegosasyon ang mga miyembro ng crisis management committee upang mapayapa ang suspek kung saan humingi ito ng sasakyan na gagawing gateaway vehicle. Habang pumapasok ang mag-ina sa sasakyan ay nakatiyempo si P/Insp.Sean Logronio ng Provincial Public Safety Company at mga tauhan nito na patagong lapitan at dakmain ang suspek.

vuukle comment

ARESTADO

BRGY

CHARLIE CABRADDILLA

DIAMOND CREST SUBDIVISION

JOEL BUENO

LETICIA BUENO

PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY

SAN JOSE DEL MONTE CITY

SEAN LOGRONIO

TUNGKONG MANGGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with