75-anyos lola kinatay ng tauhan
NUEVA ECIJA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 75-anyos na lola matapos itong pagsasaksakin ng kanyang tauhan sa bukid saka pinagnakawan pa kamakalawa ng gabi sa Barangay Fronda, bayan ng Talugtug, Nueva Ecija. Idineklarang patay sa Lumang General Hospital sa bayan ng Guimba, ang biktimang si Remedios Cabrera, biyuda at residente sa nasabing barangay habang nasakote naman ang suspek na si Jay-Ar Caridad, 30, farm worker, binata at tubong Aklan. Sa imbestigasyon, nabatid na bandang alas-8 ng gabi nang magkasigawan ang mag-amo sa hindi pa batid na dahilan kung saan pinatay sa saksak ang biktima. Tinangay ng suspek ang P.1 milyong cash ng biktima at agad na tumakas subalit sa follow-up operation ng pulisya ay naaresto ito sa Barangay Saverona sa bayan ng Talugtog.
- Latest
















