^

Probinsiya

Retiradong sundalo, itinumba

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Pinabulagta ang 48-anyos na retiradong sundalo ng Phil. Army matapos itong barilin ng di-kila­lang lalaki sa loob ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Sitio Baysong, Barangay Binay bayan ng San Narciso, Quezon. Isang tama ng bala ng cal. 45 pistol sa likurang bahagi ng ulo ang tumapos sa buhay ni Danilo Aquillano habang patuloy na nangangalap ng impormasyon ang pulisya sa pagkakailanlan ng gunman. Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na nanonood ng telebisyon ang biktima nang pumasok ang suspek buhat sa kusina ng bahay saka isinagawa ang krimen. Pinaniniwalaang may kaugnayan sa dating trabaho ng biktima ang motibo sa krimen.

BAHAY

BARANGAY BINAY

DANILO AQUILLANO

ISANG

PINABULAGTA

PINANINIWALAANG

QUEZON

SAN NARCISO

SITIO BAYSONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with