^

Probinsiya

Kuya kinatay ng bunsong senglot

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 42-anyos na magsasaka matapos itong saksakin ng kanyang nakababatang utol na senglot na nabulabog sa una sa Barangay Buyon, Cauayan City, Isabela kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Adan Ca­riaga habang kritikal naman ang utol nitong si Vicente Cariaga, 27, kapwa magkapitbahay sa nasabing barangay.

?Sa police report na nakarating kay P/Supt. Maria­no Rodriguez, hepe ng Cauayan City PNP, nabatid na dinamdam ni Vicente ang pagbulyaw ng kanyang kuya sa pagiging maingay nito dahil sa kalasingan.

Tinangkang pasukin ni Vicente ang bahay ng nakatatandang kapatid subalit sinalubong siya ng taga sa ulo.?

Gayon pa man,  bago mawalan ng ulirat si Vicente ay nagawang pagsasaksakin ang sariling kuya hanggang malagutan ito ng hininga.?

Naisugod sa Cauayan District Hospital si Vicente  bago inilipat sa Isabela Provincial Hospital kung saan ito nakikipagbuno kay kamatayan.

 

vuukle comment

ADAN CA

BARANGAY BUYON

CAUAYAN CITY

CAUAYAN DISTRICT HOSPITAL

GAYON

ISABELA

ISABELA PROVINCIAL HOSPITAL

VICENTE

VICENTE CARIAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with