Trainer ng mga OFW, itinumba
COTABATO CITY, Philippines – Pinaniniwalaang selos sa trabaho ang isa sa motibo kaya pinabulagta ang isang trainer ng OFW makaraang pagbabarilin ito ng kanyang kasama sa trabaho kung saan napatay naman ng pulisya sa naganap na shootout sa bahagi ng Gov. Gutierrez Street, Cotabato City, Maguindanao kamakalawa ng kahapon.
Kinilala ni Cotabato City PNP Station 2 Commander P/Senior Insp. Reynaldo Delantin ang biktima na si Arman Duyato, trainer ng mga nag-aaply bilang overseas Filipino worker (OFW), at nakatira sa bayan ng Pikit, North Cotabato.
Napatay naman ng mga operatiba ng pulisya ang gunman na si Onsing Kalipapa, 35, ng Barangay Diwang sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat.
Nabatid na nakatayo ang biktima sa bisinidad ng nabanggit na lugar nang lapitan at ratratin ni Kalipapa.
Gayon pa man, patakas na sana ang gunman nang nakasalubong at pinutukan nito ang pangkat ni Col. Noli Mapili ng 5th Special Forces Batallion sa crossing.
Napilitang barilin ng special forces si Kalipapa kung saan tinamaan ito sa ulo at namatay.
- Latest