^

Probinsiya

Karambola ng 3 sasakyan; 9 sugatan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siyam katao kabilang ang pitong estudyante ang nasugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang tatlong behikulo sa bayan ng San Enrique, Negros Occidental, kamakalawa.

Base sa report ng Police Regional Office (PRBO) 6, bandang alas-7 ng umaga nang tangkaing mag-ovetake ng isang Mitsubishi Monter naman ni Romy Rubio sa Crossing Gemoy, Brgy. Tabao Rizal ng ba­yang ito.

Sa kamalasan ay nagbanggaan ang dalawang behikulo at nadamay pa ang pampasaherong tricycle na minamaneho naman ni Alfredo Balena na may sakay na mga estudyante ng Enrique National High School.

Dahil dito ay nasugatan ang mga high school students, tatlo sa mga ito ay nilalapatan ng lunas sa Valladolid District Hospital pero dahilan sa malubha ang tinamo ng mga itong sugat ay inilipat sa isang hospital sa lungsod ng Bacolod.

Samantalang sugatan din ang dalawang driver na sina Balena at Jualayba bagaman hindi naman ito gaanong malubha.

Nabatid pa na halos nayupi ang tricycle ni Balena habang bahagyang pinsala lamang ang tinamo ng dalawa pang behikulo.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito. (Joy Cantos)

 

ALFREDO BALENA

BALENA

CROSSING GEMOY

ENRIQUE NATIONAL HIGH SCHOOL

JOY CANTOS

MITSUBISHI MONTER

NEGROS OCCIDENTAL

POLICE REGIONAL OFFICE

ROMY RUBIO

SAN ENRIQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with