^

Probinsiya

3 huli sa aktong gumagawa ng pekeng pera

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong miyembro ng isang sindikatong namemeke ng pera sa operasyong isinagawa ng pulisya sa Laguna, Huwebes ng gabi.

Nakilala ang mga naarestong suspek na sina Cyrus Soliman, kapatid niyang si Bong at asawang si Kin.

Ayon sa pulisya, huli sa aktong gumagawa ng mga pekeng pera ang tatlong suspek sa isang hotel sa bayan ng Sta. Cruz. Tumitira pa umano ng shabu si Kin nang abutan ng mga operatiba.

Nakuha sa mga suspek ang 33 piraso ng pekeng P500 at 2 piraso ng pekeng P1,000.

Naaresto ang tatlong suspek matapos makakuha ng intelligence report ang pulisya na sa bayan ng Sta. Cruz ginagawa ang mga pekeng pera na ikinakalat sa buong lalawigan.

Ipinagbibili umano ng mga suspek sa halagang P400 ang isang pekeng P1,000 bill at P200 naman para sa isang pekeng P500 bill.

Kasong paglabag sa Article 166 ng Revised Penal Code o forgery of treasury bills and bank notes ang mga suspek.

vuukle comment

ARESTADO

AYON

CRUZ

CYRUS SOLIMAN

HUWEBES

IPINAGBIBILI

KASONG

NAARESTO

REVISED PENAL CODE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with