^

Probinsiya

Prosekusyon sa killer ng reporter, hirit ng NUJP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon ang National Union of Journalist of the Philippines sa mga kasamahan nito sa pamamahayag at publiko na maging mapagbantay upang mapigilan ang “whitewash” sa kasong pagpatay sa isang reporter ng Davao del Sur.

Ayon kay Jessie Casalda, Chairman ng  NUJP Davao chapter, nais din ng grupo na matiyak na mapaparusahan ng batas si dating Davao del Sur Governor Douglas Cagas  matapos na mag-isyu ng warrant of arrest ang korte.

Samantala, iginigiit ni Cagas na inosente siya sa krimen at umano’y may kinalaman sa pulitika ang pagdidiin sa kanya sa pagpatay kay Nestor Bedolido, ng pahayagang Kastigador.

Si Cagas ang itinuturong nasa likod ng pananambang at pagpatay ng motorcycle riding-in-tandem kay Bedolido sa Digos City noong  Hunyo 2010.

Sa kabila nito, sinabi ni Casalda na ang pagsuko ni Cagas ay isang positibong hakbang sa paghahanap ng hustisya para sa kasamahang mediamen

Sa tala, simula ng manungkulan sa puwesto si Pangulong Benigno Aquino III, umaabot na sa mahigit 20 mediamen ang  pinaslang.

AYON

CAGAS

DAVAO

DIGOS CITY

JESSIE CASALDA

NATIONAL UNION OF JOURNALIST OF THE PHILIPPINES

NESTOR BEDOLIDO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SI CAGAS

SUR GOVERNOR DOUGLAS CAGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with