2 binatilyo dedo sa aksidente
MANILA, Philippines – Dalawang kabataang lalaki ang nasawi habang dalawa pang pasahero ang sugatan matapos na maaksidente ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Dumangas, Iloilo noong Lunes ng gabi.
Ang mga nasawi ay sina Rey Defino at Reynaldo Dillio, 16. Ang mga sugatan ay nakilalang sina John James Diaz at Ronnie Dumancas na ginagamot sa ospital sa Iloilo City.
Sa ulat, kagagaling lang ng mga biktima sa bahay ni Defino at habang pauwi na sila at binabagtas ang kalsada patungong bayan nang isang motorsiklo ang nag-overtake sa kanila sa may Bonifacio Street. Nagpagewang-gewang at nawalan ng balanse ang motorsiklo kung saan nakasakay ang mga biktima hanggang sa bumangga sa ramp ng entrance ng isang paaralan at tumama sa pader. Wala umanong suot na helmet at hinihinalang nasa impluwensya sila ng alak ang mga biktima nang maganap ang insidente.
- Latest