^

Probinsiya

Bus swak sa bangin: 2 patay, 17 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang na­matay habang labimpito naman ang nasugatan makaraang mahulog ang pampasaherong bus sa may 10-metrong lalim na bangin sa gilid ng national highway sa Barangay Maragang, ba­yan ng Tigbao, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang dalawa na sina Baharan Aurea Maulod, officer-in-charge ng National Commission for Indige­nious People sa Basilan City; at ang driver ng bus na si Macario Omac, 46.

Ginagamot naman sa Zamboanga del Sur Medical Center  ang mga nasugatang sina Rolando Simbahon, 30, konduktor ng bus;  retired M/Sgt. Alberto Soria, 64; Engineer George Jocutan, 38; at iba pang pasahero. 

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bumabagtas ang Rural Transit Bus Transit in Mindanao, Inc. (JVH 435) sa kahabaan ng highway nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver at sumalpok  sa konkretong bahay sa tabi ng highway.

Dito na nagtuluy-tuloy na nahulog ang bus sa 10 metrong lalim na bangin.

 

vuukle comment

ALBERTO SORIA

BAHARAN AUREA MAULOD

BARANGAY MARAGANG

BASILAN CITY

CAMP CRAME

ENGINEER GEORGE JOCUTAN

MACARIO OMAC

NATIONAL COMMISSION

ROLANDO SIMBAHON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with