^

Probinsiya

Flashflood: 2 patay, 7 pa missing sa Western Visayas, Central Mindanao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawa katao kabilang ang isang 15-anyos na binatilyo ang nasawi, pito pa  ang nawawala habang libong residente naman ang apektado sa mga pagbaha dulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan na sanhi ng Inter-Tropical Convergence Zone sa Western Visayas at Central Mindanao, ayon sa ulat kahapon.

Sa ipinalabas na report kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasawi ma­tapos makuryente sanhi ng baha  ang 10-anyos na biktimang si Angelo Clavines sa Molo, Iloilo City.

Iniulat naman ng Office of Civil Defense (OCD) Region VI, ang pagkamatay ng isa pang biktima na si Adan Anacan ng Leganes, Iloilo, nakuryente nang aksidenteng matapakan ang live wire sa isang dike sa kanilang lugar.

Nasa tatlo katao naman ang nawawala matapos tangayin ng rumaragasang baha at malunod sa Mandurriao at Sta. Barbara sa lalawigan pa rin ng Iloilo.

Samantalang dalawa namang bata na sina John Paul Obaridas, 15; at Anthony Jardaleza, 16; ang nawawala matapos na tangayin ng malakas na agos ng tubig baha sa Calajunan Creek sa Mandurriao, Iloilo City.

Ayon pa kay NDRRMC Executive Director Alexander Pama, sa Maguindanao nawawala rin ang magsasakang si Maungko Mastura, 35-anyos matapos ta­ngayin ng malakas na agos habang tumatawid sa Lumabka River­  sa Brgy. Buyo sa bayan ng Buldon.

Napaulat din sa pulisya ang pagkawala ng biktimang si Gilbert Columbres, 29, na inabutan naman ng baha habang tinatangkang tumawid sa Simuay River, Pigcawayan, North Cotabato.

Sinabi ni Pama sa Region VI, IX at Autonomous Region in Muslim Min­danao na nakaapekto sa may 11,688 pamilya o kabuuang 58,666 katao ang mga pagbaha sa may 51 barangay.

vuukle comment

ADAN ANACAN

ANGELO CLAVINES

ANTHONY JARDALEZA

AUTONOMOUS REGION

CALAJUNAN CREEK

CENTRAL MINDANAO

EXECUTIVE DIRECTOR ALEXANDER PAMA

GILBERT COLUMBRES

ILOILO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with